Go not gently into the night, rage against the dying of the light!

Saturday, October 25, 2014


On the 426 approved joint military activities:
How many Jennifers and Nicoles More?                                                                                                       
The gruesome death of Jennifer Laude in the hands of alleged murderer Pfc. Joseph Scott Pemberton of the US Marine Corps coincided with the meeting of the US-RP Mutual Defence Board (MDB). The murder came right after the most recent Philippines-US amphibious landing exercise, Phiblex. Pfc. Pemberton is one of the 3,500 US marines who participated in the 12-day Phiblex 15.

It was already Phiblex 15 that just concluded and it is terrifying to learn that 426 more joint military activities of various categories are forthcoming. This is one of the resolutions in the recent MDB meeting. It is disgusting to know that the Philippine commander-in-chief, President Noynoy Aquino (PNoy) allowed the country’s representatives in the MDB to approve hundreds more joint military activities despite a recent crime against a Filipino by another soldier of the US Marines. This is gravely insulting to the people, especially to those opposing rising US militarism and increasing presence of US personnel and materiel in the Philippines.

WE, in KAISA KA, (Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan) vehemently condemn the brutal murder of transgender woman Jennifer Laude. Being a victim of a US Marines trooper raises Laude’s murder to a crime against the Filipino people. The suspected murderer, Pfc. Pemberton, should be detained in the country while being tried under Philippine laws.

 This recent crime highlights again and puts under question the 1999 US-RP Visiting Forces Agreement (VFA), which is under protracted review since 2012, and the recently signed US-RP Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA) which is not yet enforced pending Supreme Court decision on its constitutionality. The main subject of both agreements is, the presence or stay in the country of US military forces (personnel, arms and equipments) and the continuing joint military activities of the armed forces of the USA and the Philippines. 

Article 5 of the VFA particularly stipulates on the issue of jurisdiction over US military personnel who commit crime or legal liability not related with the pursuance of their duties while in the Philippines. The VFA grants the Philippines jurisdiction over the erring US military personnel. However, custody of the American soldier/s remains with the US government.  Pfc. Joseph Scott Pemberton is now supposedly detained by his superiors in the warship USS Peleliu that is left docked in the former US naval base in Subic. 

Furthermore, VFA stipulates that the resolution of the case must be done within one year otherwise the US is not anymore obliged to present the defendant in court.  In other words, the Philippine government would have to seek the US government’s decision to transfer custody of the erring US soldier to the Philippines.      

WE in KAISA Ka, like many others, fear that the handling of Pemberton’s case will fall in the same way of US Marine Lance Corporal Daniel Smith who was accused of raping Suzette “Nicole” Nicolas in 2005. Smith was convicted and was confined for a few days in the Makati City Jail.  He was taken away by US authorities and kept inside the US embassy until his case was settled after Nicole allegedly retracted.

The crime committed by Pemberton is heinous but its dimension is beyond itself. VFA and Philippine jurisdiction, i.e. sovereignty over a US soldier who committed crime in the country are the real issues.  The case of Lance Cpl. Smith confirmed Philippine jurisdiction and sovereignty is not guaranteed by the VFA.

The USA, the number one military and economic power in the world, is continuously wielding its might not only over the Philippines but over many countries in the world. The Philippines, by its government’s subservience, serve as a US neo-colonial instrument and one of its bases in US’ projection of power over Asia-Pacific and the world.  

The Philippines is designated by the US to play the role of hosting, on pivotal basis, increasing number of its military forces for the US rebalance strategy of deploying 60% of its naval forces in Asia-Pacific by 2020. This is the reason for EDCA and the seemingly permanent VFA. Under such situation many more crimes against Filipinos by US military personnel can be anticipated. But what is most disturbing is the Philippine government being an accomplice in the militarist-imperialist designs in the world and the Filipino people being dragged in the process.
 
Justice for Jennifer Laude! Justice for the Filipino people!
Stop US militarism!
Rescind EDCA! Abrogate VFA!     

PAGSUKO SA SOBERANYA: Pahamak sa Kababaihan at Buong Sambayanan


Nuong Oktubre 14, pinayagan ng administrasyong PNoy ang mga kinatawan nito sa Mutual Defence Board na aprubahan ang 426 US-Philippine “joint activities” sa pagitan ng dalawang pwersang-militar.

Ito ay sa kabila ng pagkakasangkot ng isang sundalong ng US Marines Corps. sa kalunoslunos na pagpaslang sa isang Pilipinong transgender nuong Oktubre 11 at ng matinding panawagan ng mga iba’t ibang samahan na ipailalim ang pinaghihinalaang salarin sa kustodya ng Pilipinas.

Nanawagan ang KAISA KA,isang samahan ng mga kababaihang nagsusulong ng panlipunang pagbabago sa pangulo na bumitaw na sa kasunduang pinirmahan ni Hen.Gregorio Catapang nitong Oktubre 14,2014 at tanggihan ang anumang pag-uusap hingil sa iplementasyon ng EDCA. Bukod pa sa dapat lamang igiit ng ating gubyerno ang kustodya sa suspek na si Private First Class (PFC) Joseph Scott Pemberton sa Pilipinas.

Ipinanawagan din ng KAISAKA na ikonsidera ng pamahalaan ang pagbabasura sa EDCA sa dahilang sinusuportahan ng kasunduang ito ang lumalawak na militarismo ng Estados Unidos.

Ang pagpaslang sa transgender na si Jennifer Laude sa pamamagitan ng pagsakal at paglunod sa inidoro ay dapat lang kondenahin ng lahat ng mamamayang humihiyaw ng katarungan. Si Jennifer ay isang biktima ng karahasang nakabatay sa kasarian at resulta ng tumitinding militarism ng US.
May limang US warship ang nakadaong sa Subic para makapaglibang. Isa si Pemberton sa mga lumalahok sa ginanap na US amphibious exercise kasama ang mga sundalong Pilipino.

Ipinakita ng paraan ng pagpaslang sa pamamagitan ng pagsubsob ng mukha sa iniduro kung paano itrinato si Jennifer na parang dumi. Kaso ito ng trans-bashing na maituturing na walang iba kundi ang karahasang sekswal, pisikal o panlalait sa mga transgender- na isang uri ng karahasang batay sa kasarian.

Maraming Nicole at Jennifer Basta’t May Tropang Kano

Dahil matagal ng libangan ng mga sundalong kano ang Subic at Olongapo, naging saksi ang mga ito sa marami-rami na ring insidente ng karahasan laban sa mga kababaihan, transgender, at maging sa mga kabataan.

Ayon sa mga iskolar at eksperto, ang karahasa’y bahagi na ng isang kulturang militar sa patuloy na pagdikdik sa sistema ng kasundaluhan ng mga awit at komentong kontra-kababaihan at transgender para hubugin sila na maging matibay at matapang na tagapagtanggol ng interes ng US.

Dahil dito’y kinamihasnan nang ituring ng mga kasundaluhan ang katawan ng kababaihan na tropeo ng katapangan at pagpupunyagi kapwa sa panahon ng pagsasanay at digma. Kung kaya’t ang abuso sa kababaihan (kasama ang mga lesbiana at gays) ay gawi rin mula sa kanilang sariling hanay hanggang sa mga lugar na kanilang ginagawang base o sila’y pansamantalang nakahimpil tulad ng Japan, Korea at sa Gitnang Silangan o Middle East.

Para sa Marinong US, ang R and R o rest and recreation ay sadyang pagkakataon para magpakagumon sa kamunduhan, alak at droga. At dahil sa pinakamalakas na military super power sa daigdig at may maituturing na mahigit pitong daang base sa mundo, hindi pa kasama dito ang mga security arrangements tulad ng EDCA at VFA, talagang ang hukbo ng Estados Unidos ay may pinakamahabang listahan ng mga kaso ng pang-aabusong sekswal.

Seguridad Ba Natin Kaya Narito Sila? 

Pinatunayan ng mahigit sangdaang taong pagiging dominanteng kapangyarihang ekonomiko at militar ng US sa mundo na pangunahing dahilan ang makinaryang militar nito sa pagpapanatili ng istabilidad at seguridad nito bilang dominanteng kapangyarihan. Gayundin, ang paglalagay nito sa peligro at pagkawasak ng maraming buhay, kabuhayan at sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan at komunidad sa mundo.

Ang pag-sangayon ng Pilipinas na ipagamit ang mga kampo at teritoryo nito sa mga tropa at gamit pandigma ng US sa ilalim ng EDCA ay tunay na naka-kabahala. Lalo pa’t kinakasangkapan nito ang panggigipit ng Tsina bilang dahilan.

Ang totoo’y hindi lang talaga matanggihan ni Pnoy ang kagustuhan ng US na magamit ang teritoryo ng Pilipinas bilang bahagi ng desenyo nito na magdeploy ng mga pwersa nito sa mga estratehikong lokasyon sa Asya-Pasipiko para madali at pleksible nitong maideploy sa iba’t ibang bahagi ng mundo nang di-gaanong gagastos.

Nitong pinakahuling Phiblex hindi pa man nagkabisa ang EDCA, may 9,000 sundalong Kano ang nasa teritoryo ng Pilipinas. Sa bisa ng EDCA at may 426 pinayagang joint military exercises, di malayong ang Pilipinas ay muli na naming magmistulang isang malaking kampo o garrison ng US.
Tayo’y wala namang kaaway bilang isang bansa, ngunit dahil kampi tayo sa Amerika, ang kanilang kaaway/ inaaway ay itinuturing na rin tayong kaaway. Isang pormula ito ng ligalig at digma lalu na’t mas nauna nang ipinahayag ng Amerika na itinuturing nitong karibal/kaaway ang Tsina at ang kanyang pivot o pagpapalakas ng pwersang-militar sa Asya- Pasipiko ay nakatutok dito. 

Igiit natin kay PNoy na ibasura ang MDT, VFA at EDCA o ihanda natin ang sarili as mga susunod pang Jennifer at Nicole.

Hustisya para kay Jennifer at sambayanang Pilipino!
Panagutin si PFC Scott Pemberton!
Soberanyang Bayan Ipaglaban! VFA IBASURA!


Oktubre 16,2014
Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan (KAISA KA)