Ano
ang itinutulak na “rebolusyonaryong gubyerno” ni Duterte?
Ang deklarasyon ng rebolusyonaryong gubyerno ng
nakaupong presidente ay isang extra-constitutional na hakbang. Lampas at
tuwirang labag ito sa itinatadhana ng Konstitusyon at sa gayun ay nagpapawalang-
bisa o nagbabasura ng Konstitusyong1987.
Ang Konstitusyon ay pinagtibay ng mga mamamayan sa
reperendum-plebesito noong 1987. Sa gayon, ang Konstitusyong 1987 ay
kumakatawan at ekspresyon ng soberanong kapasyahan at kapangyarihan ng
sambayanang Pilipino. Sa ilalim ng Konstitusyong 1987 nahalal at binigyan ng
mandato si Duterte para gampanan ang mga tungkulin ng pangungulo sa estado at
gubyerno alinsunod sa mga kapangyarihang iginagawad sa kanya ng Konstitusyong 1987.
Ang pagdedeklara ng rebolusyonaryong gubyerno ni Duterte ay tuwirang salungat sa Konstitusyon at sa gayun, ay malinaw na
pang-agaw at pagmonopolyo ng kapangyarihan upang solong maghari. Lampas-lampas
ito sa ipinagkaloob ng mamamayan na mandato.
Ito’y kudeta mula sa Malacanang o kudeta mula se sentro.
Pagbasura ito ng Konstitusyon at lahat ng garantiya –
ekonomiko, pulitikal at kultural na karapatan – na ipinagkakaloob nito sa mga
mamamayan. Kung mangyayari,wala nang mapag-uusapang konstitusyunal na mga
karapatan at kalayaang sibil na maigigiit ng mamamayan.
Ito’y paghaharing di hinahangganan ng batas – isang
absoluto, diktaduryal na paghahari na walang pinananagutan kundi ang sarili.
Isasara ang Konggreso at Korte Suprema at si Duterte ang batas – siya ang
gagawa at magpapatupad ng batas. Kung mangyayari, maaari pang gawin ni Duterte
ang sumusunod:
• Ideklarang
bakante ang lahat ng pusisyon sa gubyerno – inihalal man o hinirang nang may
proteksyon mga batas sa serbisyong sibil
– at tanggalin ang mga di niya gusto upang palitan ng mga nagpapakayupapa sa
kanya;
·
Ipaaresto at ipakulong nang walang taning ang
sinumang kalaban niya o sinumang layon niyang supilin (ginawa ito ni Marcos sa
pamamagitan ng Preventive Detention Act at Presidential Commitment Order);
·
Maaaring kumpiskahin niya ang pribadong ari-arian ng
mga katunggali (ginawa ni Marcos laban mga Lopez, Rufino at Jacinto) upang
magkamal ng higit na yaman;
·
Maaring magpataw siya ng parusang kamatayan (ginawa
rin ito ni Marcos);
·
Pasaklawin pa ang kasalukuyang walang -pakundangang
pamamaslang sa mga suspek na drug user, pusher at criminal;
·
Ipakandado ang lahat ng imprenta, at lahat ng
istasyon ng TV at radio, pahayagan o diaryo, at pahintulutan lang ang
magbabandila ng mga gusto niyang makaabot sa publiko;
·
Bigyan ng ganap na akses ang mga dayuhan sa mga likas
na yaman ng bansa at supilin ang anumang pagtutol ng mga komunidad ng mamamayan
na naggigiit ng karapatan dito;
·
Buksan sa mga dayuhang kapitalista ang mga
pampublikong serbisyo (edukasyon, pangkalusugan, pang-isports), gayundin ang
mga pampublikong utilidad (tubig at patubig, transportasyon at kaakibat nitong
pier, airport, haywey, komunikasyon, media) sa dayuhang control, at ipailalam ang
mamamyang Pilipino sa walang-pakundangang pagkakamal nila ng tubo;
·
Pahintulutan ang pagbabase at operasyon ng mga
dayuhang tropa sa bansa, at kaladkarin ang bayan sa tunggalian ng mga higanteng
pandaigdigang kapangyarihan;
·
Hati-hatiin ang bayan sa mga teritoryong paghaharian
ng kanyang mga kakutsabang pampulitikang panginoon, tulad ng nais nilang
mangyayari sa panukalang pederalismo; at
·
Iba pang mga hakbang na susupil sa mga demokratiko at
soberanong karapatan ng mamamayan.
Sa ilaalim ng diktadurang paghahari na siyang
katunayan ng “rebolusyonaryong gubyerno” ni Duterte, makapagbabalangkas ang mga
taong tapat at sunud-sunuran sa kanya ng Konstitusyong kanyang inaasam, na
siyang magtatakda ng “bagong normal” na kaayusang nais ni Duterte.
Sa ilalim ng diktaduryal na paghahari ng
rbolusyonaryong gubyerno ni Dutere, walang makakatutol nang di makatitikim ng
kanyang marahas na kamay na bakal. Tanging pwersang militar ang makahahadlang
kay Duterte sa naturang kaayusan.
Nais
mo bang mamuhay sa ganitong kaayusan?
Kung ikaw ay nagpapahalag sa demokrasya, nagmamahal
sa kalayaan at nagmamalasakit para sa bayan nang higit sa sarili, kumilos na
ngayon pa lang bago maging huli ang lahat.
Huwag palinlang at pagamit sa
pekeng People Power Revolution ni Duterte.
Lumahok sa mga protesta laban
sa pakanang “rebolusyonaryong gubyerno” ni Duterte at iba pa niyang mga tiraniko
at kontra-demokratikong hakbang.
Labanan ang tiraniya! Isulong
at itaguyod ang demokrasyang bayan.
Nobyembre 2017
No comments:
Post a Comment