Go not gently into the night, rage against the dying of the light!

Saturday, June 13, 2009

Summary on the Using of Folktales in Community Organizing: by James Julian Castillo

Ang Pag-gamit ng Kwentong Bayan sa Pag-oorganisa sa Komunidad
By James Julian Castillo

Magkaugnay ang kwentong bayan at pag-oorganisa sa komunidad. Ang kwentong bayan ay tungkol sa mga karanasan ng karaniwang tao at ang pag-oorganisa naman ay tungkol sa hangarin na mapa-unlad ang buhay nila.

Merong pagkakaiba ang pag-oorganisa sa Pilipinas at US at isa dito ang pagkakaugnay ng mga organisasyon sa ibat-ibang sektor. Sa Pilipinas malapit ang kanilang mga pag-kilos, dito sa US parang walang conection. Pero, ang dalawang bansa ay may kasaysayan sa kilusan para sa kalayaan.

Sa Pilipinas, madalas ginagamit ang kwentong bayan sa pag-oorganisa. Halos lahat ng mga hakbang ay merong kasabay na kulturang pagtatanghal. Ang itinatanghal ay hindi lang kung kahit anong kwento kundi kwentong bayang ang kinakanta, isinusulat, isinasadula at pinipinta.

Taon-taon, ang Sining Dilaab, isang grupong pangkultura at ang VMPRDC (Visayas Mindanao People’s Resource Development Center) na isang NGO, ay nag oorganisa ng isang camp para sa kabataan para malapit sila sa mga isyu sa lipunan at mabigyan sila nga mga workshop sa ibat-ibang sining na magamit nila sa pagtatanghal ng mga kwentong bayan. Mayroong dance, songwriting at theatre workshop. Meron ding workshop sa leadership at journalism.

Ang malungkot na kwento ay ang mga pangyayari sa Pilipinas. Taon taon maraming kabataan ang gumagraduate pero halos lahat sila ay napupunta sa call center kahit meron silang mga degree na pang propesyunal. Dito sa US marami din ang naghihirap. Halimbawa nito ay ang article sa LA Weekly na nag frontpage ang isang Pilipina ang nakakadena sa isang matanda. Ang sweldo ng Pilipina na ito na nag caregiver sa Long Beach ay 42 cents lang kada oras.

Kailangan natin magkaisa sa mga pagkilos sa Pilipinas dahil magkaugnay ang buhay natin dito sa buhay doon. Sila rin sa Pilipinas ay kailangan magkaisa sa pagkilos natin dito. Nasa pagkakaisa lang nating lahat matikman ang tunay na bunga ng demokrasya.

-Para sa video ng talk isearch lang ninyo ang (using folktale in community organizing) sa youtube. Ang link sa channel kung saan na upload ang video ay www.youtube.com/user/onlinenppcforum
------------------------------------------English translation------------------------
Using Folk Tales in Community Organizing

Folk tales ang community organizing are inter-related. Folk tales are about the experiences of ordinary folks while community organizing is about the aspiration of making their lives better.

There is a difference in organizing in the Philippines and the US and one of them is the way the different organizations in the different sectors connect. But, the two countries have a history in the movement for freedom.

In the Philippines, folk tales are often used in organizing. Almost all efforts have a portion of cultural presentations. The presentations are not just any kind of story but folk tales that are sung, written, dramatized on a play and painted.

Every year, Sining Dilaab (Arts Ablazing), a cultural group and VMPRDC (Visayas Mindanao People’s Resource Development Center) that is an NGO, organize a youth camp that aims to bring the youth closer to societal issues and provide workshops in the different fields of arts where they can use to present folk tales. There is a dance, songwriting and theatre workshop. There is also a leadership workshop and journalism.

A sad story are the happenings in the Philippines. Every year a lot of the youth graduate but almost all end up in call centers even though they carry professional degrees. Here in the US many are also having a hard time.An example is the article from LA Weekly where a Filipinas who was chained to an elderly man was on the front page. The hourly wag for the Filipina caregiver in Long Beach was 42 cents an hour.

We need to be in solidarity with the movements in the Philippines because our lives are connected with their lives. They, in turn, also have to be in solidarity with our movements here. Only in the unity of all of us can we taste the fruits of democracy.

-To watch the video of the talk just search (using folktale in community organizing) in youtube. The link to the channel where the video was uplaoded is www.youtube.com/user/onlinenppcforum

No comments: